Misis hinoldap ng lover

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 28-anyos na lalaki makaraang arestuhin ng pulisya kaugnay sa kasong panghoholdap sa kanyang ka-live-in sa Purok 1, Barangay Camambugan, bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Renato Agolto at ang kasabwat nitong si Rodolfo Seña kapwa nakatira sa Barangay Alawihao. Lumilitaw na kinasabwat ni Agolto ang kaibigang si Sena para holdapin ang ka-live-in nitong si Annalea Barredo matapos malamang may bitbit na mala­king halaga. Nanlaban si Barredo kung saan nakatiyempo namang hablutin ng babae ang bonnet ni Agolto kaya lumantad ang pagmumukha nito. Arestado naman ang mga suspek sa Barangay Alawihao matapos ilatag ang follow-up operation ng pulisya.

Show comments