Bangka lumubog: 58 naisalba

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Umaabot sa 58-katao ang naisalba makaraang lumubog ang pampasaherong bangka habang naglalayag sa karagatan ng Animasola Island sa bayan ng San Pascual, Masbate noong Linggo ng mada­ling araw. Base sa ulat, naglayag ang M/B Jonalyn patungong bayan ng Pasacao sa Camarines Sur mula sa pantalan ng San Pascual nang balyahin ng malalaking alon. Tulu­yang lumubog ang nasabing bangka kung saan kaagad naman humingi ng tulong ang kapitan ng bangka na si Sulpicio Elliot Sr. Kaagad naman rumesponde ang pangkat ng rescue team ng mga awtoridad kung saan nasagip ang mga biktima.

Show comments