Radio operator nilikida ng tulak

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 37-anyos na radio operator ng pribadong kompanya matapos itong barilin ng sinasabing nakaalitang drug pusher kamakalawa ng gabi sa Purok 5-A, Barangay Recodo sa Zamboanga City. Napuruhan sa noo ang biktimang si Alexander Silaya, kawani ng Universal Fishing Corporation at nakatira sa Purok 1, Barangay Bolong sa nabanggit na lungsod. Arestado naman ang suspek na si Alvin Sailama ng Sitio Flamingo sa Barangay Malagutay. Nasamsam sa suspect ang anim na plastic sachet ng shabu, ilang drug paraphernalia, at isang cal. 45 pistol na may pitong bala.

Show comments