Suspek sa rape, arestado

NORTH COTABATO, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 37-anyos na tatay na sinasabing humalay sa kanyang anak na nene matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa Sitio Buguak, Barangay Kibia sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon. Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, pormal na kinasuhan ang suspek na si Jimmy Cañedo Herbolingo. Inaresto ang suspek nina SPO3 Froilan Platon, CIS Carino Burlat, PO3 Ricardo Senses, PO3 Ian Ledesma at PO1 Johnrey Quebuyin matapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Alandrex Betoya ng Kabacan  Regional Trial Court sa North Cotabato.

Show comments