CAVITE, Philippines – Aabot sa milyong halaga ang natangay ng mga kawatan Makaraang pasukin ang kilalang banko sa Barangay Salinas 4 sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nadiskubre ang insidente bandang alas-8:20 ng umaga matapos buksan ng security guard na si Romeo Gopio ang banko kung saan napansin nito na nagkalat ang mga gamit. Nadiskubre rin ang malaking butas sa sementadong sahig na may lagusan sa likuran ng banko na pinaniniwalaang nilusutan ng mga kawatan. Pinaniniwalaang mga minero na bihasa sa pagbubutas ng tunnel ang nasa likod ng pagnanakaw.