Mister nilayasan ng misis, nagbigti

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng 45-anyos na mister ang pansamantalang pag-alis ng kanyang misis dahil sa tampuhan kaya ito nagbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Vicente, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Bulacan Medical Center subalit idineklarang patay si Mauro Dela Cruz, kawani ng Malolos City Hall at nakatira sa Sampaguita Street sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkatampuhan ang mag-asawa kaugnay sa pagkaing ihahanda sa nalalapit na Kapaskuhan. Gayon pa man, umalis ng bahay ang misis para hindi humaba ang usapan pero dinamdam ng biktima at sa pag-aakalang hindi na babalik ang babae ay nagpasalubong ito kay kamatayan.

Show comments