Suspek sa pagpatay sa pulis, tiklo

TAYABAS CITY, Quezon, Philippines – Kaagad na nagkaroon ng  katarungan ang pamamaslang sa isang  pulis-Lucena City matapos na maaresto ang pangunahing suspek sa Barangay Calum­pang, Tayabas City sa Quezon kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Omar Gonzales na itinuturong bumaril at nakapatay kay PO1 Raymund Portuguez noong Disyembre 18, 2014. Si PO1 Portuguez na sinita ang suspek dahil sa kaguluhan sa loob ng traysikel kung saan sakay ang isang babae nang barilin ng suspek sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Isabang. Naisugod pa sa Lucena Doctors Hospital subalit namatay din ang biktima.

Show comments