Nambastos ng bebot, binoga

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Agaw buhay ngayon  ang isang 27 anyos na binata na pinaniniwalaang lasing matapos ratratin ng boga ng isang konsehal dahil sa pambabastos sa kasama nitong babae sa isang inuman sa kasalan sa Brgy. Bustamante, Luna, Isabela bago maghatinggabi kamaka­lawa. Sa report na nakarating kay Sr. Insp. Mario Fajardo, hepe ng Luna Police; tumakas matapos ang insidente ang suspek na si Jaypee Rosete, 26 na konsehal sa bayan ng Naguilian, Isabela. Ayon sa report, inoobserbahan sa Ester Garcia Hospital sa Cauayan City ang biktimang si Joseph Andres. Nabatid na napahiya at nag-init ang ulo ng opisyal sa inasal ng biktima kung kayat nagawa nitong pagbabarilin ito sa harap ng mga nagulantang na manginginom.? Ilang basyo ng bala ng cal. 45 ang narekober ng mga imbestigador sa crime scene.

Show comments