12-anyos nabagsakan ng troso

MANILA, Philippines - Sinalubong ni kamatayan ang 12-anyos na nene matapos itong mabagsakan ng troso mula sa rumaragasang truck habang papauwi mula sa simbang gabi sa Barangay Limuna, bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat kamaka­lawa. Sa ulat ng Sultan Kudarat Police, naglalakad ang biktimang si Jassy Faye Baltazar Jumamil sa gilid ng highway nang mabagsakan ng troso mula sa rumaragasang truck. Sa halip na tulungan ang biktima ay tumakas ang driver ng truck. Nagawa pang maisugod sa Lebak Doctors Hospital pero namatay din ang biktima.

 

Show comments