BIFF commander utas sa encounter

MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters matapos makasagupa ang tropa ng militar sa nasilat na pag-atake sa military detachment sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Captain Jo-ann Petinglay ng Army’s 6th Infantry Division ang napatay na si alyas Commander Kamote. Bandang alas-5 ng hapon nang makasagupa ng Army’s 45th Infantry Battalion ang grupo ni Commander Camote sa liblib na bahagi ng Barangay Labo-Labo. Sa palitan ng putok ay nasapul at napatay si Camote kung saan inabandona ng kanyang mga kasamahang nagsitakas. Gayon pa man, walang nasugatan at napatay sa panig ng mga sundalo.

Show comments