1 todas, 5 grabe sa araro ng kotse

BULACAN, Philippines – Patay ang pedicab driver habang malubha naman ang limang sibilyan matapos araruhin ng  kotse na nawala ng kontrol sa Barangay Abangan Sur, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Antonio Balanlay, 50, pedicab driver, ng Brgy. Abangan Sur habang kritikal naman sina Joyce Borja, Roselyn Villaflores, at si Marvin Castillo. Pormal namang kinasuhan ng pulisya ang driver ng kotse na si Christopher Cruz, 40, waiter at nakatira sa Rodriguez Subd., Brgy. Dampalit sa Malabon City. Sa imbestigasyon ni PO2 Jeneben Cating, nawalan ng kontrol sa manibela ng kotse (UKM-707) si Cruz na patungong Maynila kaya sinagasaan ang mga biktima kung saan inararo rin ang tatlong sasakyan.

Show comments