Barangay kagawad tumba sa tandem

MANILA, Philippines – Napaslang ang 47-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen habang patungo sa Christmas party sa Barangay Ramon Magsaysay, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa. Nasapol sa likurang bahagi ng katawan si Kagawad Roger Espina ng  Barangay Ramon Magsaysay sa nasabing bayan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima patungo sa Sevilleno Beach Resort para dumalo ng Christmas party nang sundan at ratratin ng riding-in-tandem assasins. Naisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara itong patay habang narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments