Ex- ABC president, misis niratrat

QUEZON, Philippines – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dating pangulo ng mga Liga ng Kapitan at asawa nito habang kritikal naman ang dalawang tauhan matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Pahinga 1, bayan ng Candelaria, Quezon kahapon ng madaling araw.

Kapwa sugatan ang mag-asawang Macario “ Macky” Boongaling, ex-Quezon ABC President at ex-officio member sa Sangguniang Panlalawigan at Nyrbam Boonga­ling, 43, kapwa nakatira sa Barangay Pahinga Sur.

Kasalukuyan naman nakikipaglaban kay kamatayan sina Edwin Maranan, driver; at Benedict Caringal, close-in security aide ni Macario.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Arturo Brual Jr. hepe ng Candelaria PNP, papauwi na ang mga biktimang lulan ng Ford Ranger pick-up (WOS-342) mula sa derby nang harangin at ratratin.

Narekober sa crime scene ang 50-basyo ng bala ng malalakas na kalibre ng baril.

Noong October 3, 2012 ay pinagtangkaan na rin ang buhay ni Boongaling suba­lit nakaligtas ito matapos makipagbarilan sa tatlong kawatan ng kanyang mamahaling sasabunging manok.

Show comments