Biyuda ni-rape, ginilitan ng adik

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 56-anyos na biyuda na sinasabing hinalay saka ginilitan ng di-kilalang lalaki na lango sa bawal na droga sa Barangay Tabang, ba­yan ng Gui­guinto, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Polymedic Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Josephine Rato ng Hernandez Compound sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ervin Mac Melan, nadiskubre ang pagpatay sa biktima sa loob ng pali­kuran matapos dumating sa bahay ang anak nitong si Marian Rato.

Wala namang tinangay na personal na kagamitan ng biktima na pinaniniwalaang pakay lamang ng killer na halayin ang biktima subalit pumalag kaya pinatahimik ito.

Show comments