2 dedo sa lechon manok

CAVITE, Philippines – Dalawang kawani ng lechon manok food chain na sinasabing nagkainitan sa pagdadala ng pagkain ang napatay sa naganap na karahasan kahapon ng mada­ling araw sa Barangay Tanzang Luma, Imus City, Cavite. Kinilala ang unang napatay na si Richard na may alyas Noynoy ng Pearl Lechon Manok sa nasabing barangay.  Si Richard na tumanggi sa pakiusap na magdala ng lechon manok sa kliyente ay napatay ni Jerry Anire. Napilitang barilin at mapatay ng pulisya si Anire dahil sa pagwawala at tangkang pagpatay sa isa sa mga operatiba ng pulisya matapos nitong sugurin ng saksak.

Show comments