CAVITE, Philippines – Umaabot sa P5.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa inilatag na operasyon sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite kahapon. Bandang alas-6 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ang mga bahay nina Patani Sultan, Hadji Norhanesa Monongiring at Rodolfo Pontecha sa nasabing barangay. Nasamsam sa mga bahay ang 248 plastic sachet ng shabu, cal. 380 revolver, dalawang cal. 45 pistol, cal .22 revolver, air gun, at mga magazines ng bala. Nakatakas naman ang mga may-ari ng bahay maliban sa apat na sibilyan ang inimbitahan sa presinto.