Karambola: 2 patay, 9 grabe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang estudyante ang namatay habang siyam na iba pa ang malubhang nasu­gatan matapos salpukin ng Starex van ang apat na sasakyan sa Barangay Tallungan, bayan ng Apar­ri, Cagayan kamakalawa ng gabi.

?Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Patrick Paulo Annatu at Shaina Bilag habang malubhang nasugatan ay sina Lyngel Bilag, 39; Joviely Venus Bilag, 21; Salvacion Guil­lermo, 60; Tom Russel Guillermo, 8; Samantha Jane Guillermo, 7.; trike driver na si Virgilio Bilag na kasalukuyang court stenographer; Aries Agoncillo, 21; Jay Ar Siriban, at si Rodel Taguba.

Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP, sinalpok ng Starex van ni Mark Gain Borbon ang traysikel ni Virgilio saka nahagip si Annatu na nakaupo  sa gilid ng kalsada.

Kasunod nito, inararo naman ng van ang dalawang motorsiklo at multicab na nakaparada sa gilid ng highway.

?Positibo naman sa alak ang driver ng van na si Borbon matapos itong isa­ilalim sa alcohol breath test.

Show comments