Anak inutas ng tatay

BULACAN, Philippines – Dahil lamang sa pagkawala ng suplay ng tubig ay nagawang pagbabariln at mapatay ng ama ang sariling anak sa kanilang bakuran sa Barangay Lagundi, bayan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Labing-isang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Alberto Enriquez, 32, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Nicomedes Enriquez, 58, biyudo at kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ni PO3 Joseph Cruz, nairita ang biktima sa pagkawala ng supply ng tubig sa kanilang bahay dahil sa ginagawang lababo sa bahay ng kanyang tatay. Sinita ng biktima ang tatlong gumagawa ng labado subalit namagitan ang suspek kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaril. Narekober naman sa crime scene ang 11-basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments