2 sundalo sugatan sa landmine

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo kabilang ang isang Army Captain ang nasugatan matapos sumabog ang patibong na landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army  sa gilid ng highway sa Barangay Balite, bayan ng Magpet, North Cotabato kamakalawa. Kinilala ang mga nasugatan na sina Captain Nasrullah Sema at escort nitong tinukoy lamang sa apelyidong Pfc. Camia na kapwa isinugod sa hospital sa Kidapawan City. Nabatid na magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo patungo sa pagpupulong sa ugnayang pambarangay sa isinasagawang civil military operations ng mga sundalo nang biglang sumabog ang landmine na itinanim ng mga rebelde bandang alas-3 ng hapon.

Show comments