P10-M ari-arian, naabo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Tinatayang aabot sa P10 mil­yong halaga ng  ari-arian ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang grocery section ng public market sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kahapon ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Victor P. Deona, nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-2 ng madaling araw kung saan naapula naman bandang alas-4:20 ng madaling araw. Nabatid na nakaambang bayuhin ng Bagyong Ruby ang Camarines Norte nang sumiklab ang sunog sa isa sa tindahan sa public market habang patuloy naman ang imbistigasyon.

Show comments