Suspek na drug pusher, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang 33-anyos na drug personality habang ito ay patungo sa palengke sa bayan ng Allacapan, Cagayan kahapon ng umaga.? Kinilala ni P/Senior Insp. Joefferson Gannaban, hepe ng PNP Allacapan PNP ang biktima na si Raymond Sta. Ines na sinasabing nakatala sa police drug watchlist.? Napag-alamang nagmomotorsiklo si Sta. Inez patungo sa palengke nang ratratin ng tandem gunmen. Ayon kay Gannaban, bago maganap ang pamamaslang ay nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima mula sa mga tulak ng droga sa kanilang teritoryo.

Show comments