TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang isang lineman ng Isabela Electric Cooperative habang kritikal naman ang kanyang foreman matapos mahulog ang kanilang truck sa bulubunduking highway sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Benito Soliven Isabela kamakalawa. ?Kinilala ni P/Senior Insp. Ferdimar Quitevis, hepe ng Benito Soliven PNP ang biktima na si Aljon Jacob ng Tumauini habang ginagamot naman sa ospital si Ronelio Gozum ng Bliss Village, Ilagan City.? Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, katatapos lamang mag-ayos ng mga kable ng kuryente ang mga biktima nang mawalan ng kontrol sa menibela ang driver na si Noel Ginez pagsapit sa kurbada at pababang kalsada. Nagtuluy-tuloy na mahulog ang sasakyan ng mga biktima sa bangin kung saan nakaligtas si Ginez at sumuko sa pulisya.