Ex-councilor dinedo ng sekyu

NUEVA ECIJA, Philippines – Isang dating nanungkulang konsehal ng bayan ang binaril at napatay ng  security guard habang nagdya-jogging kasama ang kanyang misis sa Barangay Castellano, bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga.

Napuruhan sa likuran ng ulo ang biktimang si ex- San Leonardo councilor Antonio de Sahagun, 60, kawani ng lokal na pamahalaaan ng San Leonardo at nakatira sa Barangay Nieves sa nasa­bing bayan.

Ayon sa pulisya, matapos na mapatay ang biktima ay nagbaril din sa sarili ang suspek na si Argie Basan, 32, may-asawa, at security guard ng Golden Meadows Subdivision.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na  naglalakad ang biktima kasama ang kanyang misis sa loob ng nasabing subdibisyon nang lapitan at barilin ni Basan.

Pinagsabihan ni Basan ang negosyanteng misis ng biktima na tumakbo palayo ng crime scene kung saan nagbaril din sa ulo ang sek­yu.

Narekober sa crime scene ang cal. 38 revolver, dalawang bala at tatlong basyo.

Show comments