Inhinyero itinumba sa karinderya

BULACAN, Philippines – Bulagta ang 63-anyos na inhinyero matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng karin­derya sa Barangay Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Pantaleon Pactol Jr., ng Area E sa nasabing barangay. Base sa police report, nasa karinderya ang biktimang may hinihintay na kausap nang magpasya itong mag-almusal muna. Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay nilapitan at binoga ng di-kilalang lalaki. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon. Boy Cruz

Show comments