19-anyos inutas ng 17-anyos

CAVITE, Philippines - Pinabulagta ang 19-anyos na binata matapos itong saksakin ng 17-anyos na tinedyer sa loob ng Inernet shop sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Napuruhan sa kaliwang kilikili na tumagos sa biktimang si Ranzell Mendoza ng Block 12, Lot 45, Crystal Street sa Diamond Village habang nasakote naman ang suspek na itinago sa pa­ngalang Rolly. Sa imbestigasyon ni P03 Reynald Afable, nasa loob ng Internet shop ang biktima nang lapitan at suntukin ng suspek. Kaagad na tumakbo palabas ng Internet shop ang biktima subalit sinundan ito ng suspek saka sinaksak sa kilikili. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote ang suspek. Cristina Timbang

Show comments