Mga armas at droga, nasamsam

Sinusuri ni P/Chief Inspector Kevin Bulayungan, hepe ng Solano PNP ang isa sa siyam na baril na nasamsam kay Alleh Mark Baladad matapos salakayin ang kanyang bahay sa Barangay Quirino, bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon. (Kuha ni Victor Martin)

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Kalaboso ang 38-anyos na dating kawani ng lokal na gobyerno matapos makumpiskahan ng iba’t ibang kalib­re ng baril at ilang gramo ng shabu sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Quirino ng bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon. Armado ng search warrant na inisyu ng korte, sinalakay ang bahay ng suspek na si Alleh Mark Baladad kung saan nasamsam ang siyam na malalakas na kalibre ng baril, mga bala, mga drug paraphernalia at 20 gramo ng shabu. Ayon kay P/Chief Insp. Kevin Bulayungan, hepe ng Solano PNP, naging saksi naman sa operasyon ang mga opisyal ng barangay, mga mamamahayag at iba pang mga personalidad sa pagpapatupad sa search warrant laban sa suspek.

Show comments