13k manok nalitson sa sunog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Aabot sa 13,000 manok ang nalitson habang aabot naman sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang modernong poultry farm sa Barangay Del Pilar, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. ??

Ayon kay SFO4 Hadji Romano ng Alicia BFP, nagsimula ang sunog sa bodega ng poultry farm na pag-aari ni Dr. Romeo Go kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga air blower na nakakabit sa mga kulungan ng manok.?

Samantala, nasunog din ang isang gusali ng Isabela State University sa Cauayan City sa Barangay San Fermin, Cauayan City noong Linggo ng umaga.

Kabilang sa nilamon ng apoy ay ang apat na klasrum, tatlong opisina at ang foodcourt ng Hotel and Restaurant Management building ng ISU Cauayan Campus.

Umabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog, ayon kay Firem Chief Insp. Joanne Vallejo.

Show comments