Magsyota sinalpok ng van, dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magsyotang nakipaglamay sa kaanak matapos salpukin ng van ang kanilang motorsiklo sa Cabaroan-Sapilang Road sa Barangay Cabaroan, bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Christian Alqueza, hepe ng Bacnotan PNP ang magsyota na sina Mario Parchamento, 31; at Renalyn Ramos, 20, habang nasakote naman ang driver ng van (SHT-101) na  si Gilbert Pagado, 47, administrative aide ng Don Mariano Marcos Memorial State University. Lumalabas sa imbestigasyon na palabas ng national highway ang magsyota mula sa pakikipaglamay sa burol ng kanilang kaanak nang salpukin ng van.

Show comments