Misis nanlaban sa rapist, patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay sa saksak ang 32-anyos na misis na sinugod ng kapitbahay nilang lango sa alak na pinaniniwalaang natuksong humalay sa kanya habang patungo ito batalan para maligo

kamakalawa sa Barangay Makati, bayan ng Diffun, Quirino.? Kinilala ni PO3 James Pascual ang biktima na si Judith Recardo habang agad na nadakip ng mga barangay tanod ang 29-anyos na suspek na si Dominic Bimmactad. Lumalabas

sa imbestigasyon na nanlaban ang biktima sa suspek kaya ito pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Maging ang mister ng biktima na si Roel Recardo na sumaklolo ay pinagsasaksak din ng suspek kung saan naisugod ng

mga kapitbahay sa pagamutan.  Sising alipin naman ang suspek habang naghihimas ng rehas na bakal sa kulangan.

 

Show comments