Lolo kinasuhan ng apo, nagbigti

LEGAZPI CITY , Albay, Philippines -  Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 72-anyos na lolo na sinasabing kinasuhan ng kanyang apo matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Purok 34, Barangay Mangcamgong sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang natagpuan ng kanyang anak na si Cyrus Alpay na nakabitin sa kisame ng bahay ang katawan ng kanyang ama na si Roberto Alpay. Pinaniniwalaang hindi kinaya ng biktimang desperado ang kinakaharap nitong kaso na isinampa sa kanya ng sariling apo kaya isinagawa ang pagpapakamatay.

 

Show comments