Cafgu itinumba ng NPA

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 43-anyos na miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) matapos itong pgbabarilin ng tatlong rebeldeng New People’s Army sa harapan ng kanyang pamilya sa Barangay Beltran, bayan ng Jabonga, Agusan del Norte noong Miyerkules ng umaga. Napuruhan sa ulo si  Felizardo Moncano na nakatalaga sa Baleguian Patrol Base.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, pinasok ng mga rebelde ang bahay ng pamilya Moncano saka isinagawa ang pamamaslang kahit nagmamakaawa na ang misis at mga anak nito.  Mabilis na tumakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kabundukan ng nasabing barangay.

 

Show comments