Lider ng Abu dedo sa encounter

MANILA, Philippines – Napatay ang  notoryus na lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group  matapos makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Duyan Kaha, bayan ng Parang, Sulu kahapon ng hapon. Kinilala ni Col. Allan Arrojado, AFP Joint Task Group Sulu commander, ang napatay na si Sihata Latip. Bandang alas-4:45 ng hapon nang makasagupa ng mga bandido ang tropa ng militar kung saan napatay ang nasabing lider habang isa namang sundalo ng Phil. Army ang napaslang.

Show comments