Drug den sinalakay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang notoryus na maintainer ng drug den matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang operasyon sa Barangay Maura, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang suspek na si Jeofry Jill Rabino. Nasamsam sa suspek ang 15 gramong shabu, isang AK7 assault rifle, cal. 9mm pistol, cal. 22 revolver, mga bala, at drug paraphernalia. ?Sa tala ng pulisya, aabot sa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P660,848 ang nasamsam matapos ang operasyon laban sa suspek na si Larry Mabbun sa kalapit na Barangay Macanaya.

Show comments