2 magsasaka inutas ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines -  Pinabulagta ang dalawang magsasaka na sinasabing tiktik ng pulisya at militar matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa magkahiwalay na karahasang naganap kahapon ng umaga sa mga  Barangay Tobgon, bayan ng Oas, Albay at Barangay Calmayon sa bayan ng Juban, Sorsogon. Si Domingo Ranola, 44, ng Sitio Guinimbalan, Barangay Tobgon ay dinukot noong Nob. 15 saka pinagbabaril ng mga rebelde. Samantala, si Emilio Oplida ng Barangay Calmayon ay pinagbabaril naman habang pauwi mula sa kanyang kaibigan kahapon ng umaga.

 

Show comments