LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Balik-selda ang pugante mula sa New Bilibid Prison na sinasabing nagtago ng 14-taon matapos itong masakote ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa Barangay Mapid, bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang puganteng si Noel Savilla na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ricky T. Begino ng Lagonoy Municipal Trial Court sa Camarines Sur na may kasong frustrated murder. Hindi na nakapalag ang akusado na nagmistulang gulay kung saan inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para dalhin ito sa NBP sa Muntinlupa City.