P200K pabuya sa North Cotabato bombers

MANILA, Philippines – Tinaasan ng alkalde ng Kabacan sa North Cotabato ang pabuya para sa anumang impormasyong magreresulta sa pagkakadakip ng mga nasa likod ng pambobomba sa bayan na nag-iwan ng isang patay.

Umabot na sa P200,000 ang pabuya na mula kay Mayor Herlo Guzman, chair ng municipal peace and order council at Gov. Emmylou Taliño-Mendoza.

Isang college student ng University of Southern Mindanao ang nasawi, habang 16 ang sugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device malapit sa isang elementary school sa bayan ng Kabacan nitong kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktimang si Monique Mantawil na inilibing na rin kaagad kagabi alinsunod sa tradisyong Muslim.

Show comments