Kolektor ng pautang, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nabigong holdup ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang 50-anyos na kolektor ng pribadong kompanya habang sugatan naman ang kanyang kasama sa naganap na pananambang sa Barangay Zamora, bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. ? Kinilala ni P/Chief Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano PNP ang napatay na si Joe Bunao, tubong Mangaldan, Pangasinan.? Sugatang naisugod sa ospital ang kasama nitong si Bernardo Transmonte, 40. Base sa police report, nakaangkas ang biktima sa likuran ng motorsiklo ni Transmonte nang tambangan ng mga di-kilalang lalaki bandang alas-11 ng umaga. Bagama’t sugatan ay nagawa ni Transmonte na magmotorsiklo palayo sa crime scene nang hindi nakuha ang kanilang koleksiyon.?

Show comments