Bombing ng Sayyaf, nasilat

MANILA, Philippines – Nasilat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang tangkang pagpapasabog ng mga bandidong Abu Sayyaf Group matapos matagpuan sa isang bomba na itinanim sa gasolinahan sa Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi. Nabatid na dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo ang nag-iwan ng bag na may lamang bomba sa bisinidad ng gasolinahan. Agad namang rumesponde ang pangkat ng Explosives and Ordinance ng Philippine Army kung saan ilang minutong pagsusuri ay nakumpirmang bomba ang nasa bag. “The recovered IED was placed in a cooking pot wrapped with packing tape as container contained possible ammonium nitrate, cellular phone, rocker switch and possible blasting cap,” pahayag ni Basilan PNP Office Director Mario Dapilloza.

Show comments