Trader nagbaril sa sarili, patay

CAVITE, Philippines  – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 52-anyos na negosyante na sinasabing may ma­tinding problema sa sarili matapos itong magbaril sa kanilang bahay sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala ang cal. 45 pistol sa leeg ang biktimang si Edwin Campos ng Amado Campos Compound sa Zone 3 sa nasabing lungsod.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Carlos Barde,  bandang alas-3 ng hapon nang makarinig ng pu­tok ang kapatid ni Edwin na si Bernie pero binalewala nito sa pag-aakalang may naputol na sanga ng punungkahoy.?

 Gayon pa man, tinungo ni Bernie ang silid ng kanyang kapatid para ipaalam na susundo siya sa kaniyang mag-ina subalit bumulaga ang duguang katawan ng biktima.

Narekober ang cal. 45 pistol na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay, aluminum foil, tatlong plastic sachet na walang lamang shabu.

 

Show comments