Drayber ng DPWH official, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 65-anyos na driver ng opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang kaangkas sa motorsiklo ng dalawa nitong anak sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Butubot Este, bayan ng Balaoan, La Union kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Senor Insp. Quirino Botigan, hepe ng Balaoan PNP ang napatay na si Camilo Ramos na residente rin ng nabanggit na bayan. ?

Lumalabas sa imbestigasyon na nakasakay ang biktima sa likuran ng motorsiklo na minamaneho ng da­lawa nitong anak na lalaki nang mag-overtake ng motorcycle-riding gunmen dakong alas-8 ng gabi saka ito binaril sa ulo.?

Nahulog ang matanda sa motorsiklo subalit hindi naman idinamay ang dalawang anak nito.

Gayon pa man,  may mga ulat na sinasabing  pagkakautang at alitan sa lupa ang isa sa motibo sa pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments