TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 12-anyos na batang babae ang nasawi matapos na pagbabarilin ng kanyang amain na lango sa droga na nang-hostage sa kanya at saka napatay din ang huli ng mga nagrespondeng pulis matapos ang apat na oras na hostage drama loob ng kanilang tindahan sa Asingan, Pangasinan kahapon ng umaga.?
Kinilala ni Chief Insp. Charlie Angyaon, hepe ng Asingan PNP ang napatay na hostage taker na si Orlando Victoria samantalang ang nabaril at napatay niyang step-daughter ay ang 12-anyos na si Lyrell Ameamery Rebucal.?
Lumalabas sa imbestigasyon na unang binaril ng suspect sa paa ang isang Hermie Ilumin matapos nitong sawayin ang una sa pananakit sa anak-anakan sa kanilang puwesto dakong alas-5 ng madaling-araw. ?
Ayon sa pulisya, may rekord na si Victoria nang pagkalulong sa droga at pagmamaltrato sa kanyang kinakasama na ina ng batang nasawi sa hostage. ?
Nagresponde ang mga tauhan ng PNP Asingan dahil sa pamamaril ni Victoria kay Ilumin pero bago pa nakalapit ang mga awtoridad ay hinostage na ni Victoria ang stepdaughter sa loob ng kanilang tindahan.?
Napilitang paputukan ng mga pulis si Victoria matapos nitong pagbabarilin ang hostage na bata gamit ang cal. 38 revolver. ?
Kapwa patay ang biktima at suspect sa nabulilyasong negosasyon na ngayon ay masusing iniimbestigahan ng pamunuan ng PNP.