TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong pag-tortyur at pagpatay ang isang dating hepe ng pulisya at anim nitong tauhan kaugnay sa pagkaka-diskubre noong Hunyo ng tatlong pugot na bangkay ng carnap suspects sa Isabela matapos silang sampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon .?
Kinasuhan sa Department of Justice sina Sr. Insp. Sherwin Concha, dating hepe ng PNP Aurora, Isabela at kanyang deputy na si Insp. Rey Lopez at tauhan na sina SPO3 Julian Obrero III, SPO1 Randolph Cauan, PO2 Alex Abalos, PO2 Jose Soliven II at PO2 Eduardo Aban.?
Sinabi sa PSN ni NBI Isabela Officer Paul Rivera na isinasangkot ang mga nasabing mga pulis sa pagkamatay nina Gabriel Ternio 29, Johnny Languit 19 at Noel Te-od, 18, ng Pinukpuk, Kalinga na huling nakitang buhay na inaresto sa palengke ng Aurora noong Mayo.?
Ayon kay Rivera may pang-apat na suspect sa carnapping ang nakatakas at nagawang ikuwento sa NBI ang karumal-dumal na pag-tortyur at pagpatay ng mga akusado sa kasamahan nito bago sila inilibing sa lote ng pamilya ni PO2 Alex Abalos sa Brgy. Bagong Tanza noong Hunyo.?
Nabatid na si Concha ay naka talaga ngayon sa Isabela Police Office sa Ilagan city.