Ex-college stude patay sa hazing

QUEZON, Philippines – Pinaniniwalaang hindi kinaya ng katawan ng 20-anyos na dating estudyante sa kolehiyo ang pagpapahirap sa isinagawang hazing ng kinaanibang fraternity kaya ito namatay kamakalawa ng umaga sa Barangay Mapulot, bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ariel Inofre, dating mag-aaral sa Southern Luzon State University at residente sa Barangay San Francisco ng nasabing bayan.

Ayon sa mga magulang na sina Ancleto at Lourdes Inofre na ang kanilang anak ay sumailalim sa hazing ng Tau Gamma Fraternity-Tagkawayan Chapter noong Linggo (Oct.19).

Nabatid na kinakitaan ang biktima ng mga pasa sa magkabilang hita subalit hindi kaagad nito ipinagtapat sa mga magulang hanggang sa makaranas ito ng pananakit ng katawan.

Kaagad namang isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City ang biktima noong Martes (Oct. 28) kung saan namatay kamakalawa.

Pormal namang magsasampa ng kaukulang kaso ang mga magulang ng biktima laban sa mga miyembro ng nasabing fraternity.

 

Show comments