2 sundalo tinambangan sa Albay

MANILA, Philippines – Pauwi na sana mula sa pamamalengke ang dalawang sundalo nang tambangan ng armadong kalalakihan ngayong Lunes ng umaga sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa isang ulat sa radyo, nakilala ang mga biktimang sina Dario Mahawis at Jerome Sambrona na hindi naka uniporme nang itumba ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army.

Lulan ng motorsiklo ang dalawang biktima nang pagbabarilin sa bahagi ng Purok 5 ng Barangay Anislag sa bayan ng Daraga.

Nakarekober ng mga basyo ng M-16 rifle ang mga rumespondeng awtoridad.

Patuloy ang pagtugis sa nasa likod ng pamamaslang.

Show comments