2 ‘sinalvage’ sa sementeryo

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang droga ang isa sa dahilan kaya sinalvage ang dalawang di-kilalang lalaki saka inabandona sa pampublikong sementeryo sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. Ayon kay PO3 Bienvenido Pangilinan, bandang alas-6 ng gabi nang masipatan ni Ron-Ron Pascual ng Barangay San Jose ang dalawang bangkay na isinilid sa malaking plastic bag saka inabandona sa Boso-boso Cemetery. Nababalot ng packaging tapes ang buong katawan ng dalawa kung saan may palatandaang pinahirapan muna bago pinagsasaksak hanggang sa mapatay. May posibilidad na pinatay ang dalawa sa ibang lugar saka dinala sa nasabing lugar para lituhin ang mga imbestigador ng pulisya.

Show comments