Trader inakalang kawatan utas sa OFW

BULACAN, Philippines – Bumulagta ang 52-anyos na babaeng negosyante na inakalang kawatan matapos itong pagbabarilin ng pamangkin ng kanyang ka-live-in sa Barangay Turo, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Teresita Gonzales ng Brgy. Turo sa nasabing bayan at nagnenegosyo ng mga produktong paputok.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ermel “Meng” Palomo, 35, OFW at pamangkin ng ka-live-in ng biktima at nakatira sa Barangay Tarcan sa bayan ng Baliwag, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Francis Ramos, nag-iinuman ang ka-live-in ng biktima na si Ernesto Bonifacio at Palomo kasama ang dalawang tauhan ng trader sa Rejoice Anne Fireworks nang utusan ni Bonifacio ang isa sa tauhan na bumili ng pulutan.

Nang bumalik ang inutusang tauhan ay ipinaabot kay Bonifacio na may di-kilalang tao sa loob ng kanilang establisimyento kaya kaagad na tinungo ni Palomo para usisain.

Gayon pa man, pinagba­baril ni Palomo ang pintuan makaraang walang sumagot sa kanyang pagkatok kung saan ang biktima ang tinamaan na inakalang magnanakaw.

Show comments