Onsehan sa droga, magkaibigan kinatay

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang dahilan ng brutal na pagpatay sa dalawang magkakaibigang natagpuang luwa ang bituka at laslas ang leeg sa Brgy. Pinas, Claveria, Cagayan kamakalawa. ?Kinilala ni Sr. Insp. Manuel Viloria, hepe ng  Claveria Police ang mga pinaslang na humabol sa undas na sina Darland Ragudo at Vic Frigido; pawang residente sa nasabing lugar.? Sinabi ni Viloria sa PSN na bago ang nasabing pamamalaslang, naikuwento ng mga biktima na mayroong nagbabanta sa kanilang buhay kaugnay sa onsehan sa droga.? Ayon kay Viloria,  tukoy na nila ang suspect at kasalukuyang isinasagawa ang pagtutugis nila rito. Raymund Catindig

Show comments