CAMARINES NORTE, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang club manager at floor manager habang 7 kababaihan namang nagbebenta ng panandaliang aliw ang nasagip sa raid sa isang KTV bar sa Central Plaza Complex, Brgy Lag-on, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Insp. Calvin Quisumbing Cuyag, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Director ang dalawang inaresto na sina Dexter Alano, 23-anyos binata, club manager at Clarissa Vega, 34, dalaga, floor manager naman sa nasabing club.
Ang mga nasagip na pitong Guest Relation Officer ay nakilalang sina Verna Jhoy Catamino, 28; Maritel De Leon, 27; Janice Villanueva, 25; April Paradero, 23-anyos at ang nakatatandang kapatid nito na si Shiela Mae Paradero, 24, Alita Alimango, 24-anyos at Honey Grace Buganotan, 20; pawang karamihan ay dayo lamang sa lugar.
Narekober ng mga awtoridad ang halagang P1,800 (marked money) na ginamit sa pambayad sa GRO para sa panandaliang aliw. Francis Elevado