Drug pusher dedo sa shootout

QUEZON, Philippines – Napatay ang 40-anyos na sinasabing notoryus na drug pusher habang malubha naman ang kasama nito makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Phil. Drug enforcement Agency at lokal na pulisya kamakalawa ng hapon sa Barangay Guisguis Talon, bayan ng Sariaya, Quezon. Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Gerry Marasigan, ika-7 sa talaan ng drug watch sa bayang nabanggit habang ginagamot naman sa Quezon Medical Center si Rodelito Naval, 42, ng Barangay Dalahican. Dakong alas-2:35 ng hapon nang ilatag ang buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA at pulis-Sariaya laban sa dalawa subalit nakatunog at pinutukan ang mga awtoridad. Nauwi sa shootout ang operasyon kung saan napatay si Marasigan at narekober naman ang cal. 45 pistol at ilang drug paraphernalias.

 

Show comments