Ina sinaksak ng anak, kritikal

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nakikipaglaban kay kamata­yan ang 62-anyos na ina matapos mapagtripang saksakin ng kanyang anak na lango sa bawal na droga kahapon ng umaga sa Barangay San Jose, bayan ng Malilipot, Albay. Kasalukuyang ginagamot sa Ziga Memorial District Hospital ang biktimang si Maria Bitara habang nasakote naman at pormal na kinasuhan ang suspek na si Jesus Bitara, 27, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa sala ng kanilang bahay mula sa pag-aalmusal nang lapitan at saksakin ng suspek. Pinaniniwalaang hindi nabigyan ng pera na pambili ng droga kaya sinaksak ng suspek ang kanyang ina.

Show comments